Thursday, March 3, 2011

Mahalin mo naman Ako

Habang magkahawak ang inyong mga kamay,  
At sa inyo ako ay nakatunghay.  
Pinagmamasdan ka sa di kalayuan 
Habang ang puso kong ito’y nasasaktan

Mahal kita ngunit mahal mo siya,
Puso kong ito’y di mo alintana.
Mali man daw na ikaw ay mahalin,
Paanong ang nararamdaman ay pipigilin?

Kaibigan. Iyan sa aki’y turing mo
Karamay sa mga problema mo.
Laging nariyan upang ikaw ay tulungan.
Ngunit pag-ibig ko ba’y di mapagbibigyan?

Hangga’t maaari ayoko nang masaktan,
Sapagkat alam ko sayo’y wala akong maaasahan.
Pag-ibig mo sa kanya’y mahirap labanan,
Mamahalin na lang kita ng di mo nalalaman…

No comments:

Post a Comment