Thursday, March 3, 2011

The Art of Letting Go

Alas-tres 'y medya na ng madaling araw pero gising na gising ka pa rin. Nakahalukipkip ka't akap-akap ang kulay asul mong superman na unan. Basang-basa na ito. Hindi dahil sa laway kundi dahil sa luha na kanina pa pumapatak mula sa namumugto mong mga mata.

Kailan ka nga ba huling kumain?
Kailan ka nga ba huling lumabas ng kwarto mo?
Kailan ka ba huling nakipag-usap sa mga tao?

Hindi mo na matandaan.

Mahigit dalawang linggo na ang nakararaan nang matuldukan ang mahigit dalawang buwan ninyong relasyon. Hindi mo na maalala kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ninyo. Ayaw mo nang maalala.
Pumihit ka pakanan mula sa pagkakahiga. Nakita mo ang stick ng barbecue na mahigit tatlong araw ng nakapatong sa side table. Animo'y nagliliwanag ito sa pusikit na kadiliman. Bahagya kang napangiti. May isang napakagandang ideyang pumasok sa isip mo...

Sinabi mo sa sarili mo na hindi mo na kaya...
"It's Time..."


Bago ka humantong sa ganyang sitwasyon at magpantay ang dalawang paa, dapat mong matutunan ang ilan sa mga paraan kung paano mag let go at makapagmove-on:

Una, at ang pinaka-importante sa lahat, "Acceptance". Kailangan mong tanggapin na tapos na ang lahat. Nagawa mo na ang lahat ng pwede mong gawin para maayos pa ang relasyon niyo. At sa pagkakataong ito, hindi na talaga maibabalik pa sa dati.

Okay lang na umiyak. Okay lang na hindi ka makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. Pero pagkatapos ng dalawang baldeng luha at isang kilong eye bags, tama na. It's time for you to shake it off and move on. Hindi dahil tapos na ang relasyon nyo, kailangan mo ring tapusin ang buhay mo. Life is too beautiful, my friend. Isa pa, masyado tayong good-looking para panghinayangan siya.

Pangalawa, kapag natanggap mo na ang ending ng relasyon niyo at unti-unti mo nang narere-gain ang social life mo, isunod mo na ang pagtabi, pagsauli, pagpunit o pagsunog ng mga bagay bagay na makakapagpa-alala sa kanya. Accepting that it's over is not enough. Kapag nakikita mo pa kasi yung mga bagay na related sa kanya, maaalala mo siya. Kapag naalala mo siya, masasaktan ka na naman at babaha na naman ng luha.
Kapag okay na at kebs na sayo kung makita mo man ang artistang kamukha niya o ang resto na lagi niyong kinakainan, asahan mong sa susunod na pagkakataon na mapag-usapan siya ng barkada, wa-epek sayo.

Pangatlo, maging abala sa ibang bagay. Do something that would actually divert your attention from him. Jumoin ka sa sports fest. Sumali sa Beauty Contest. Magtanim ka sa kabundukan. Magparticipate ka sa kung anik-anik na charity program. Hit the gym! Kahit anong bagay na pwede mong gawin para hindi mo siya maalala, gawin mo! It will help, my friend.

Pang-apat, talk to your friends. Ilabas mo sa kanila ang mga himutok at sama ng loob mo kung meron man. Tandaan mo, mawala man ang jowa mo pero ang mga kaibigan mo, palaging nandyan yan ano man ang mangyari. Kahit may mga pagkakataong tini-take for granted mo sila.

At panglima, Tigilan ang pagse-self pity. Walang maitutulong na maganda. Mas lalo kang  hindi makakapag move-on. Papangit ka lang. Hindi magandang idea! Isipin mo na lang na kawalan ka niya.

Also, you have to be thankful that he became a part of your life. Although not for a lifetime, he actually made you become a better person. Dahil sa kanya, nag-grow ka. Kapag kinuha siya sa'yo, ibig lang sabihin noon, may MAS HIGIT pa Siyang ibibigay sa'yo. At hindi niya maibibigay iyon kung hindi ka pa handang tumanggap at magmahal muli.

Naalala ko tuloy yung animated movie na "Meet the Robinsons". May isang quote doon na talagang tumatak sa aking isipan at tumimo sa king puso...
"Keep Moving Forward!!"

No comments:

Post a Comment