Thursday, March 10, 2011

"FLATMATES": Chapter 5: "Ako. Ikaw. Kape at EMO."

"FLATMATES"
ni Ralph

Chapter 5: "Ako. Ikaw. Kape at EMO"
 
 
 
 
Animo’y napako sa pagkakatayo si Paolo. Hindi siya makagalaw. Nilapitan siya ni Geoff habang tangan ang isang tasang mainit na kape. Umupo ito sa sofa at binuksan ang TV.

“Oh, anong ganap?” Nagtatakang tanong ni Geoff

Parang biglang bumalik sa realidad si Paolo. Umupo ito sa tabi ni Geoff. Bumuntong-hininga.

“Si Jake na naman ba yan?”

Tumango lang si Paolo habang blangkong nakatingin sa TV.

“Naku naman! Bakit ba hindi ka makapagmove on? Baka naman may dahilan siya kung bakit hindi siya nagparamdam sayo.”

“Kung ano man yung dahilan niya, bakit hindi man lang siya nagpaalam sakin na aalis siya? Bakit bigla na lang siyang nawala?”

“Malay mo may dahilan siya kung bakit hindi siya nagpaalam sayo. Look, it’s obvious na hindi ka makapag move on. You’re still holding grudge against the person. How long has it been since you saw each other?” Humigop siya ng mainit na kape.

“A little over a year.” Maikling sagot ni Paolo

“See!” sabi ni Geoff, trying to make a point. “It’s been a long time, Pao. I think it’s time for you to forgive him. Forget about what happened and give him another chance.”

Si Paolo naman ang natahimik. Nabaligtad and sitwasyon. Si Geoff naman ang nangaral.

“Mahal mo pa ba siya?” hindi iniexpect ni Paolo ang tanong na iyon ni Geoff.

“Oo naman. Hindi naman nagbago yung nararamdam ko para sa kanya, eh. Kaya lang hindi ko alam ang gagawin ko, Geoff.” Tumingin si Paolo kay Geoff. Nakakunot ang noo.

“Tell me, Pao, bukod sa hindi pagpapaalam sayo ni Jake nung umalis siya, ano pa ang matinding dahilan ng pagkamuhi mo sa kanya?”

Saglit na nag-isip si Paolo. Hinalungkat ang baul ng kanyang ala-ala. Saglit pang katahimikan. Wala siyang naisagot.

“See! Yun lang naman yung reason, diba? Come on, give Jake a chance.”

Tumango-tango si Paolo.

“Why don’t you invite him on your birthday? That would be great!” suhestiyon ni Geoff.

“I don’t think I’m ready to talk to him, Geoff. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nagkita kami.”

“Kawawa naman yung tao, Pao. I know I’m not in the position to give you advice about your situation nor I know Jake personally pero kung sa tingin mo hanggang dun na lang talaga at hindi mo pa siya kayang patawarin, might as well tell him. Kung sa tingin mo hindi ka pa handang kalimutan ang lahat, I think he has the right to know. Don’t prolong his agony, Pao Bigyan mo naman ng closure yung relationship niyo o kung ano man yung pinagsamahan niyo. Para din sa inyong dalawa yun.” Parang punyal ang bawat katagang binitiwan ni Geoff. Tagos hanggang buto.

“I’ll think about it, Geoff. But thanks, really.” Si Geoff naman ang umakap ng mahigpit kay Paolo.

“Teka lang, yung niluluto ko pala.” Natarantang bigla si Paolo. Tumalilis siya papuntang kusina.

“Ano ba yang niluluto mo?” tanong ni Geoff.

“Escabeche!”

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na nagtawanan. “Escabeche” ang gay lingo para sa “kabit”.

Bumukas ang pinto ng kwarto nina Rob at Paolo. Iniluwa nito si Rob na nakapikit pa ang dalawang mga mata.

“Ang bango, ah! What’s for dinner?”

Muling nagkatinginan sina Paolo at Geoff.

“Nagluto si Paolo ng Escabeche. May pasok ka ba ngayon?” tanong ni Rob.

“Yup. Bukas pa off ko. Nga pala, Pao, Next Saturday na birthday mo. May plano ka ba?”

“Magluluto na lang siguro ako. Kain at inuman na lang dito sa unit para tipid.”

“Pwede bang mag-invite?” tanong ni Rob.

“Hmmm… Sino namang iinvite mo?” makahulugang tanong ni Paolo.

“Hindi ko pa alam. Kung sino ang available.” Napatawa si Rob. “Pero pwede bang mag-invite?”

“Sige, pero isa lang, ha. Alam mo namang ayaw ko ng masyadong maraming tao.” Tugon ni Paolo. Bumaling ito kay Geoff “Nga pala, please invite Marco. I mean, kung pwede siya.”

“Sure, I’ll let him now.” Bakas sa mukha ni Geoff ang labis na tuwa.

“Oh, luto na to. Maghahain na ako. Rob, sabay-sabay na tayo kumain bago ka pumasok.” Nagsimulang magsandok ng kanin si Paolo.

Masayang pinagsaluhan ng tatlo ang hapunan. Kapag may time, ganito sila sa bahay. Magluluto si Paolo at sabay-sabay silang kakain. Minsan si Geoff naman ang magluluto. Si Rob, ilang beses nang nagprisintang magluto pero ilang beses na ring tumanggi ang mga kasama niya.


Matapos kumain, naghugas ng pinagkainan si Geoff. Si Rob ay nagsimula nang magprepare para pumasok. Dumerecho naman sa may bintana si Paolo. Nakatunghay sa katapat na condo. Ninilay-nilay niya ang sermon ni Geoff.

Sabagay, may point naman ang huli. Ganun nga ba talaga katindi ang ginawa nito sa kanya at sukdulan ang pagkamuhi niya dito?

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nireplyan ang text ni Jake.

“Hi Jake, sorry for the late reply. I’m not mad at you anymore. Just a bit upset. It’s my birthday next week, I hope you can find time time to drop by our place. Take care!”

Huminga siya ng malalim. Kahit papaano, naibsan ng kaunti ang sama ng loob na kanyang nararamdaman.


Katatapos lang maghugas ng pinagkainan si Geoff. Nakadama siya ng pagod. Umupo siya sa sofa at muling nagsindi ng yosi. Nakabukas pa rin ang TV. Nilipat niya ang channel. Ilang saglit pa, isang text ang nareceive niya.

“I’m terribly sorry about what happened last time. I want to make it up with you. I’m on my way to your place. I’ll pick you up. Will be there in 30 minutes.”

Si Marco.

Parang napawi ang pagod na kanyang nararamdaman. Kaagad niyang kinuha ang tuwalyang panligo at dumerecho sa banyo. Dali-dali siyang nagbihis pagkatapos.

Nag-aayos na siya ng buhok nang muling magtext si Marco.

“Dito na ako sa baba. I’ll wait for you here.”

Kaagad niya itong nireplyan.

“Ok. Give me 5 minutes.”

Nagpaalam siya kay Paolo. Hindi na siya nakapagpaalam kay Rob dahil nagbibihis ito nung mga sandaling iyon. Dali-dali siyang lumabas ng unit. Sabik na siyang makita ang nobyo. Kung pwede nga lang lumipad siya papunta sa kotse nito ay gagawin niya.

Paglabas ng condo, namataan agad niya ang itim na Honda Civic ni Marco. Naka-hazard. Dali-dali siyang sumakay at umupo sa tabi ng nobyo. Isang matamis na halik sa labi ang ibinungad niya dito.

“I’m so sorry, sweetie.” Bakas sa mukha ni Marco ang sinseridad. Isang halik sa labi ang isinagot ni Geoff.

“I understand, sweetie. I totally understand.”

Tinitigan niyang muli si Marco. Magkasing tangkad silang dalawa. Mas maputi lang si Marco. Singkit ang mga mata nito at maganda ang ipin. Palong-palo din ang pangangatawan bunga ng halos araw-araw na pagggym.

“Alis na tayo?” hindi nangailangan ng sagot ang tanong ni Marco dahil kaagad na niyang pinaandar ang sasakyan.

Kasalukuyan nilang binabagtas ang Ayala nang magsalita si Marco.

“Kumain ka na ba?”

“Tapos na. Nagluto si Paolo ng dinner, eh.”

“I see. So gusto mo coffee na lang muna tayo?”

“Sure. Oo nga pala, Sweetie, birthday ni Paolo next Saturday. He’s inviting you over kung pwede ka.”

Katahimikan.

“Sweetie?” muling tanong ni Geoff.

“I’ll let you know before Saturday, sweetie. Hindi ko pa alam kung pwede ako next Saturday. Sorry.” Hinawakan ni Marco ang kaliwang kamay ni Geoff.

“It’s okay.”

Dumerecho sila sa Starbucks 6750, malapit sa Glorietta. Matapos umorder, Magkatabi silang umupo sa labas para makapag-yosi.

“How are you, sweetie?” tanong ni  Marco habang nagsisindi ng yosi.

“Ok naman. Naiinis ako sa’yo kasi inindyan mo ako! Hmpft!” kunwa’y galit na sagot ni Geoff.

“I’m really really sorry. Nagpasundo kasi si Kris sa office at nagpasamang bumili ng regalo para sa Wedding ng friend niya. Hindi naman ako makatanggi.”

“I know…” mapait na sabi ni Geoff. Nagsindi rin siya ng yosi.

Saglit na katahimikan.

“Tama na please.” Hiniwakan ni Marco ang kamay ni Geoff. “Nandito na ako, eh.”

“May cake pa naman ako nun para sa’yo kasi hindi tayo nakapag celebrate nung birthday mo.” May halong panunumbat ang mga salita ni Geoff.

“Wag mo na akong konsensyahin. Nagiguilty na nga yung tao, eh.” Bakas sa mukha ni Marco ang kalungkutan. Hinithit nito ang yosing hawak.

Nginitian ni Geoff si Marco, pagkuwa’y hinalikan ito sa pisngi.

“Namiss kita sobra.” Sabi ni Geoff.

“Mas namiss kita.” Tugon naman ni Marco.

“Wag ka nang umalis please. Dito ka na lang sa tabi ko.” Paglalambing ni Geoff.

“Gusto mo bang matulog sa bahay tonight kasama ko?” tanong ni Marco.

“Hindi ba kasama mo si Kris sa bahay?”

“Wala siya. Umuwi ng Laguna.”

“Ganun ba? Ok lang ba sa’yo?”

“Anong Ok lang ba sakin?”

“Na matulog ako sa apartment mo.”

Isang malutong na tawa ang isinagot ni Marco.

Para kang sira! Hindi mo ako kailangang tanungin kung ok lang sakin dahil alam mo ang sagot diyan.”

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Geoff.

Lumawig pa ang kanilang usapan. Pakiramdam ni Geoff, siya na ang pinakamasayang tao sa gabing iyon. Humihinto ang oras kapag kasama niya ang kanyang minamahal. Lahat ng sama ng loob na naramdaman niya para sa binata ay kaagad nawala nang masilayan niya ang nakahuhumaling na ngiti ng nobyo.

Unti-unting lumalim ang gabi.

“Pagod ka na ba? Uwi na tayo?” yaya ni Marco.

Tumango lang si Geoff. Magkasabay silang tumayo ay nilisan ang Starbucks.


--- MAY KARUGTONG...

No comments:

Post a Comment