Wednesday, March 2, 2011

"How to Find the Perfect One"

Ilang beses ko nang narinig ang sentimyento ng ilang mga kaibigan. Isang ulit pa at pihadong mababasag na ang ear drums ko. Kesyo daw wala silang BF. Nakakasawa na daw maging single. Inip na inip na daw sila kung kailan darating yung taong para sa kanila.
 Sabi ko, ganun ba talaga kaimportante 'yon? Kailangan ba talagang meron kang BF para magkaroon ng kulay ang buhay mo? Kailangan ba talaga na may taong aakbay sayo, yayakap at hahawak sa kamay mo para masabi mo na masaya ka at kumpleto ang buhay mo?


May ibang tao kasi na necessity ang tingin sa BF. Para sa kanila, hindi ka "in" kapag wala kang jowa. Hindi ka nage-exist at wala kang puwang sa mundong ito.

Ganoon ba talaga 'yon?
 Pero kung iisipin mo, bakit nga ba wala silang BF?

May mga tao kasi na napakataas ng standards pagdating sa pag-ibig. Gusto nila mukhang artistahin. Kailangan maganda ang katawan. Kailangan matangos ang ilong. Kailangan manipis at mapupula ang mga labi. Kailangan ganito. Kailangan ganyan. Pinaiibig nila yung sarili nila sa isang ilusyon na hindi naman talaga nage-exist. "Too good to be true", 'ika nga.

May iba naman na hindi talaga marunong magseryoso. Takot sa commitment at responsibilidad. Marami akong mga kilalang ganyan. Sabik na sabik sila na magkaroon ng BF pero kapag dumating na yung taong 'yon, hindi naman nila inaalagaan. Totoong demanding at kailangang pinaglalaanan ng panahon ang pagkakaroon ng BF. Para 'yang pag-aalaga ng halaman. Kailangang itanim sa mainam na lupa. Kailangan diligan ng tubig ng pagmamahal. At walang kwenta ang isang napakagandang halaman kung hindi naman marunong mag-alaga ang taong may-ari nito. Dahil hindi lalaon, manghihina ang halaman. Magtatampo. at di katagalan, tuluyan ng mamamatay. Hindi mahalaga kung anong hitsura ng halaman mo. Ang mahalaga, bukal sa puso ang pag-aalaga at ang pagmamahal na inuukol mo dito. Dahil daig pa ng isang halamang pupog sa aruga ang isang napakagandang bulaklak na malapit nang matuyo't mamatay.

Mayroon namang mga ilan na kuntento lang sa pasulyap-sulyap at simpleng kumustahan. Hindi nila alam na pinalalagpas nila ang pagkakataon na lubusang makilala ang taong posibleng para na pala sa kanila. Takot sila na ihayag ang kanilang nararamdaman, Takot masaktan. Takot mabigo. At dahil sa takot na ito, sa bandang huli, sila pa rin ang talo. Pinalagpas lang nilang ang taong maari sanang kumumpleto sa kanilang buhay.

May ilan naman na hindi nakukuntento. Pilit pa ring naghahangad ng mas higit sa kung anong mayroon sila. At sa kapipili ng kapipili, sa bandang huli'y wala nang natira para sa kanila.

Madali lang naman mahanap ang taong para sayo. Sa totoo lang, hindi naman talaga hinahanap. Hindi rin naman hinihintay. Kusa lang yang darating. Sabi nga nila, ang pag-ibig daw, parang paru-paro. The more na hinahabol mo, the more na hindi mo mahuhuli. Pero kapag napagod ka na. At umupo na lang sa isang tabi. Siya na mismo ang kusang lalapit sayo.

Isa pa, bago mo matutunang magmahal ng ibang tao, kailangan mo munang matutunang mahalin ang sarili mo. Kailangan mong matutunang pahalagahan at bigyang respeto ang iyong sarili. Tanggapin mo kung sino at ano ka, ng walang pag-iimbot. Tanggapin mo kung ano ang mga bagay na kaya at hindi mo kayang gawin. Ang mga bagay na kaya at hindi mo kayang ibigay. Kapag nagawa mo na iyon, masasabi mo sa sarili mo na handa ka ng magmahal. Handa ka nang tanggapin ang tao na inilaan Niya sa'yo.

Dapat marunong kang magpasensya. Dahil ibibigay Niya sa'yo sa tamang panahon ang taong magmamahal sayo ng buong puso. Hindi ka dapat magmadali. Hindi mo Siya dapat madaliin. Gusto pa ng Diyos na i-enjoy mo ang ibang mga biyayang inihandog Niya sa'yo. Patience is a virtue, my friend.

At ang pinakaimportante sa lahat, dapat marunong kang magparaya. Kailangan marunong kang magbigay at handa ka rin dapat tumanggap. Huwag kang mag-expect ng mga bagay na alam mong hindi niya kayang ibigay at hindi mo kayang tanggapin.
 At kapag dumating na ang taong para sa'yo. Tanggapin mo siya ng buong puso. Alagaan mo siya at higit sa lahat, wag mo siyang hahayaang mawala sa'yo. Dahil kapag nangyari 'yon, hindi mo na siya maibabalik pang muli....

2 comments:

  1. ayan, it's time to post my comment after reading this article.. hehe

    ahm, alam mo, super tama ka diyan ... ako man din minsan napapasabi sa pinaka close kong pinsan "kelan kaya ulit ako magkaka jowa?" minsan, kasi, nakakamis din na may nakakaalal sa'yo kung kumain ka na ba? kung nasaan ka? kung anu ginagawa mo? nakakainip minsan...


    pero madalas, mas naiintindihan ko at lage ko nalang ini-isip na "KAILANGAN KONG MAG-ANTAY ULIT" ...

    at alam mo, sabi ko kay God...

    "God, sana kung sino man siya, dapat mag-iingat siya lagi dahil magkakakilala palang kami tsaka ngayon palang, super excited na akong makilala siya... pakisabi sa kanya God ha?"

    ma drama nuh?

    pero yun talaga yun eh ...


    hehe .. share lang...

    ReplyDelete
  2. bruisemek: Una, maraming salamat sa pagbasa ng blog ko. Actually, Patience lang talaga ang kailangan. Para sakin, I'd rather be single than be in a dysfunctional relationship. Darating din yung time natin. Hehe! :)

    Good Vibes lang lagi! :)

    ReplyDelete