Thursday, March 10, 2011

"FLATMATES": Chapter 5: "Ako. Ikaw. Kape at EMO."

"FLATMATES"
ni Ralph

Chapter 5: "Ako. Ikaw. Kape at EMO"
 
 
 
 
Animo’y napako sa pagkakatayo si Paolo. Hindi siya makagalaw. Nilapitan siya ni Geoff habang tangan ang isang tasang mainit na kape. Umupo ito sa sofa at binuksan ang TV.

“Oh, anong ganap?” Nagtatakang tanong ni Geoff

Parang biglang bumalik sa realidad si Paolo. Umupo ito sa tabi ni Geoff. Bumuntong-hininga.

“Si Jake na naman ba yan?”

Tumango lang si Paolo habang blangkong nakatingin sa TV.

“Naku naman! Bakit ba hindi ka makapagmove on? Baka naman may dahilan siya kung bakit hindi siya nagparamdam sayo.”

“Kung ano man yung dahilan niya, bakit hindi man lang siya nagpaalam sakin na aalis siya? Bakit bigla na lang siyang nawala?”

“Malay mo may dahilan siya kung bakit hindi siya nagpaalam sayo. Look, it’s obvious na hindi ka makapag move on. You’re still holding grudge against the person. How long has it been since you saw each other?” Humigop siya ng mainit na kape.

“A little over a year.” Maikling sagot ni Paolo

“See!” sabi ni Geoff, trying to make a point. “It’s been a long time, Pao. I think it’s time for you to forgive him. Forget about what happened and give him another chance.”

Si Paolo naman ang natahimik. Nabaligtad and sitwasyon. Si Geoff naman ang nangaral.

“Mahal mo pa ba siya?” hindi iniexpect ni Paolo ang tanong na iyon ni Geoff.

“Oo naman. Hindi naman nagbago yung nararamdam ko para sa kanya, eh. Kaya lang hindi ko alam ang gagawin ko, Geoff.” Tumingin si Paolo kay Geoff. Nakakunot ang noo.

“Tell me, Pao, bukod sa hindi pagpapaalam sayo ni Jake nung umalis siya, ano pa ang matinding dahilan ng pagkamuhi mo sa kanya?”

Saglit na nag-isip si Paolo. Hinalungkat ang baul ng kanyang ala-ala. Saglit pang katahimikan. Wala siyang naisagot.

“See! Yun lang naman yung reason, diba? Come on, give Jake a chance.”

Tumango-tango si Paolo.

“Why don’t you invite him on your birthday? That would be great!” suhestiyon ni Geoff.

“I don’t think I’m ready to talk to him, Geoff. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nagkita kami.”

“Kawawa naman yung tao, Pao. I know I’m not in the position to give you advice about your situation nor I know Jake personally pero kung sa tingin mo hanggang dun na lang talaga at hindi mo pa siya kayang patawarin, might as well tell him. Kung sa tingin mo hindi ka pa handang kalimutan ang lahat, I think he has the right to know. Don’t prolong his agony, Pao Bigyan mo naman ng closure yung relationship niyo o kung ano man yung pinagsamahan niyo. Para din sa inyong dalawa yun.” Parang punyal ang bawat katagang binitiwan ni Geoff. Tagos hanggang buto.

“I’ll think about it, Geoff. But thanks, really.” Si Geoff naman ang umakap ng mahigpit kay Paolo.

“Teka lang, yung niluluto ko pala.” Natarantang bigla si Paolo. Tumalilis siya papuntang kusina.

“Ano ba yang niluluto mo?” tanong ni Geoff.

“Escabeche!”

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na nagtawanan. “Escabeche” ang gay lingo para sa “kabit”.

Bumukas ang pinto ng kwarto nina Rob at Paolo. Iniluwa nito si Rob na nakapikit pa ang dalawang mga mata.

“Ang bango, ah! What’s for dinner?”

Muling nagkatinginan sina Paolo at Geoff.

“Nagluto si Paolo ng Escabeche. May pasok ka ba ngayon?” tanong ni Rob.

“Yup. Bukas pa off ko. Nga pala, Pao, Next Saturday na birthday mo. May plano ka ba?”

“Magluluto na lang siguro ako. Kain at inuman na lang dito sa unit para tipid.”

“Pwede bang mag-invite?” tanong ni Rob.

“Hmmm… Sino namang iinvite mo?” makahulugang tanong ni Paolo.

“Hindi ko pa alam. Kung sino ang available.” Napatawa si Rob. “Pero pwede bang mag-invite?”

“Sige, pero isa lang, ha. Alam mo namang ayaw ko ng masyadong maraming tao.” Tugon ni Paolo. Bumaling ito kay Geoff “Nga pala, please invite Marco. I mean, kung pwede siya.”

“Sure, I’ll let him now.” Bakas sa mukha ni Geoff ang labis na tuwa.

“Oh, luto na to. Maghahain na ako. Rob, sabay-sabay na tayo kumain bago ka pumasok.” Nagsimulang magsandok ng kanin si Paolo.

Masayang pinagsaluhan ng tatlo ang hapunan. Kapag may time, ganito sila sa bahay. Magluluto si Paolo at sabay-sabay silang kakain. Minsan si Geoff naman ang magluluto. Si Rob, ilang beses nang nagprisintang magluto pero ilang beses na ring tumanggi ang mga kasama niya.


Matapos kumain, naghugas ng pinagkainan si Geoff. Si Rob ay nagsimula nang magprepare para pumasok. Dumerecho naman sa may bintana si Paolo. Nakatunghay sa katapat na condo. Ninilay-nilay niya ang sermon ni Geoff.

Sabagay, may point naman ang huli. Ganun nga ba talaga katindi ang ginawa nito sa kanya at sukdulan ang pagkamuhi niya dito?

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nireplyan ang text ni Jake.

“Hi Jake, sorry for the late reply. I’m not mad at you anymore. Just a bit upset. It’s my birthday next week, I hope you can find time time to drop by our place. Take care!”

Huminga siya ng malalim. Kahit papaano, naibsan ng kaunti ang sama ng loob na kanyang nararamdaman.


Katatapos lang maghugas ng pinagkainan si Geoff. Nakadama siya ng pagod. Umupo siya sa sofa at muling nagsindi ng yosi. Nakabukas pa rin ang TV. Nilipat niya ang channel. Ilang saglit pa, isang text ang nareceive niya.

“I’m terribly sorry about what happened last time. I want to make it up with you. I’m on my way to your place. I’ll pick you up. Will be there in 30 minutes.”

Si Marco.

Parang napawi ang pagod na kanyang nararamdaman. Kaagad niyang kinuha ang tuwalyang panligo at dumerecho sa banyo. Dali-dali siyang nagbihis pagkatapos.

Nag-aayos na siya ng buhok nang muling magtext si Marco.

“Dito na ako sa baba. I’ll wait for you here.”

Kaagad niya itong nireplyan.

“Ok. Give me 5 minutes.”

Nagpaalam siya kay Paolo. Hindi na siya nakapagpaalam kay Rob dahil nagbibihis ito nung mga sandaling iyon. Dali-dali siyang lumabas ng unit. Sabik na siyang makita ang nobyo. Kung pwede nga lang lumipad siya papunta sa kotse nito ay gagawin niya.

Paglabas ng condo, namataan agad niya ang itim na Honda Civic ni Marco. Naka-hazard. Dali-dali siyang sumakay at umupo sa tabi ng nobyo. Isang matamis na halik sa labi ang ibinungad niya dito.

“I’m so sorry, sweetie.” Bakas sa mukha ni Marco ang sinseridad. Isang halik sa labi ang isinagot ni Geoff.

“I understand, sweetie. I totally understand.”

Tinitigan niyang muli si Marco. Magkasing tangkad silang dalawa. Mas maputi lang si Marco. Singkit ang mga mata nito at maganda ang ipin. Palong-palo din ang pangangatawan bunga ng halos araw-araw na pagggym.

“Alis na tayo?” hindi nangailangan ng sagot ang tanong ni Marco dahil kaagad na niyang pinaandar ang sasakyan.

Kasalukuyan nilang binabagtas ang Ayala nang magsalita si Marco.

“Kumain ka na ba?”

“Tapos na. Nagluto si Paolo ng dinner, eh.”

“I see. So gusto mo coffee na lang muna tayo?”

“Sure. Oo nga pala, Sweetie, birthday ni Paolo next Saturday. He’s inviting you over kung pwede ka.”

Katahimikan.

“Sweetie?” muling tanong ni Geoff.

“I’ll let you know before Saturday, sweetie. Hindi ko pa alam kung pwede ako next Saturday. Sorry.” Hinawakan ni Marco ang kaliwang kamay ni Geoff.

“It’s okay.”

Dumerecho sila sa Starbucks 6750, malapit sa Glorietta. Matapos umorder, Magkatabi silang umupo sa labas para makapag-yosi.

“How are you, sweetie?” tanong ni  Marco habang nagsisindi ng yosi.

“Ok naman. Naiinis ako sa’yo kasi inindyan mo ako! Hmpft!” kunwa’y galit na sagot ni Geoff.

“I’m really really sorry. Nagpasundo kasi si Kris sa office at nagpasamang bumili ng regalo para sa Wedding ng friend niya. Hindi naman ako makatanggi.”

“I know…” mapait na sabi ni Geoff. Nagsindi rin siya ng yosi.

Saglit na katahimikan.

“Tama na please.” Hiniwakan ni Marco ang kamay ni Geoff. “Nandito na ako, eh.”

“May cake pa naman ako nun para sa’yo kasi hindi tayo nakapag celebrate nung birthday mo.” May halong panunumbat ang mga salita ni Geoff.

“Wag mo na akong konsensyahin. Nagiguilty na nga yung tao, eh.” Bakas sa mukha ni Marco ang kalungkutan. Hinithit nito ang yosing hawak.

Nginitian ni Geoff si Marco, pagkuwa’y hinalikan ito sa pisngi.

“Namiss kita sobra.” Sabi ni Geoff.

“Mas namiss kita.” Tugon naman ni Marco.

“Wag ka nang umalis please. Dito ka na lang sa tabi ko.” Paglalambing ni Geoff.

“Gusto mo bang matulog sa bahay tonight kasama ko?” tanong ni Marco.

“Hindi ba kasama mo si Kris sa bahay?”

“Wala siya. Umuwi ng Laguna.”

“Ganun ba? Ok lang ba sa’yo?”

“Anong Ok lang ba sakin?”

“Na matulog ako sa apartment mo.”

Isang malutong na tawa ang isinagot ni Marco.

Para kang sira! Hindi mo ako kailangang tanungin kung ok lang sakin dahil alam mo ang sagot diyan.”

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Geoff.

Lumawig pa ang kanilang usapan. Pakiramdam ni Geoff, siya na ang pinakamasayang tao sa gabing iyon. Humihinto ang oras kapag kasama niya ang kanyang minamahal. Lahat ng sama ng loob na naramdaman niya para sa binata ay kaagad nawala nang masilayan niya ang nakahuhumaling na ngiti ng nobyo.

Unti-unting lumalim ang gabi.

“Pagod ka na ba? Uwi na tayo?” yaya ni Marco.

Tumango lang si Geoff. Magkasabay silang tumayo ay nilisan ang Starbucks.


--- MAY KARUGTONG...

"FLATMATES": Chapter 4: "Escabeche"

"FLATMATES"
ni Ralph


Chapter 4: "Escabeche"




Nakabibingi ang katahimikan nang sapitin ni Rob ang unit. Hindi na niya naabutan si Paolo. Si Geoff naman ay tulog pa. Dumerecho agad siya sa kwarto. Naghubad ng sapatos at nagpalit ng damit-pambahay. Pasalampak siyang humiga sa kama. Parang naubos ang lakas niya. Bumabalik pa rin sa kanyang isip ang maiinit na tagpo na nangyari kani-kanina lang. Napakabilis ng mga pangyayari.

Hindi na bago kay Rob ang mga ganung tagpo. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipaglaro siya sa isang taong hindi man lang niya alam ang pangalan.

Pero sinisiguro niya na lagi siyang protektado.

Tumunog ang cellphone ni Rob. May nagtext.

“Tagay!! Kiko here, btw.”

Parang bumalik lahat ng lakas niya. Napabangon siya mula sa pagkakahiga at kaagad na nagreply sa text ni Kiko.

“Hey, Kiko! It’s good to hear from you. Enjoy your inuman session with your team mates. I hope to see you soon. Take care!”

Wala pang isang minuto ay nagreply agad si Kiko.

“I’m looking forward to that. J

Napangiti si Rob. Bumalik siya sa pagkakahiga. Ilang saglit pa, dinalaw na siya ng antok.

*

Kasalukuyang naglalakad si Geoff sa kahabaan ng Ayala. Kataka-taka na walang mga sasakyang dumaraan. Masakit sa tenga ang katahimikan. Ang mga taong naglalakad at animo’y mga robot na tuloy-tuloy lang sa paglakad. Walang nagsasalita. Walang mga nag-uusap. Derecho lang ang tingin.

Nagpatuloy siya sa paglakad. Ilang saglit pa, natanaw niya ang isang pamilyar na mukha. Hindi siya pwedeng magkamali, si Marco nga iyon.

Magkahalong pananabik at inis ang naramdaman niya. Sariwa pa sa kanyang isip ang hindi pagsipot ni Marco sa nakatakda nilang pagkikita. Pero ganun niya kamahal yung tao para makalimutan niya agad ang lahat. Na masilayan lang niya ang mukha ng minamahal ay mapapawi na rin ang inis na kanyang nararamdaman.

Mas binilisan niya ang paglakad. Halos sampung metro na lang ang layo niya kay Marco.

“MARCO!” Pasigaw na tawag ni Geoff.

Nilingon siya ni Marco. Bakas na bakas sa mukha nito ang takot at pagkagulat. Kaagad itong kumaripas ng takbo. Takang-taka si Geoff sa kanyang naging reaksyon. Tumakbo siya para habulin si Marco.

“MARCO!! SANDALI! ANO BA’NG NANGYAYARI SA’YO?!”

Nagsimulang umihip ang malakas na hangin. Halos tangayin nito ang sigaw ni Geoff. Patakbong tumawid si Marco sa pedestrian lane.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang rumaragasang bus. Napunit ang katahimikan sa pagpreno nito pero huli na ang lahat. Nabundol si Marco ng paparating na bus. Tumilapon ang katawan nito at nagpagulong-gulong sa kalsada. Naghalo ang dugo at alikabok. Hindi na gumagalaw ang kaawa-awang si Marco.

“MARCOOOOO!!!”

Napabangon si Geoff mula sa pagkakahiga. Mabilis at malalim ang kanyang paghinga. Malamig ang pawis na bumabaybay sa magkabila niyang pisngi.

Kaagad siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina. Nadatnan niya si Paolo na nagluluto ng hapunan. Binuksan niya ang ref at uminom ng tubig mula sa pitsel. Malalim pa rin ang paghinga niya pero hindi na ganun kabilis. Tinapunan lang siya ng tingin ni Paolo.

“Ok ka lang, Geoff?” Nagtatakang tanong ni Paolo.

Tumango lang si Geoff habang patuloy pa rin sa pag-inom ng tubig. Muli niyang ibinalik ang pitsel sa loob ng ref.

“Nanaginip ako. Masama. Nabundol daw ng bus si Marco sa Ayala.”

“Aaay, ang sama nga. Dapat totoo na lang na nangyari.”

Tinitigan niya ng masama si Paolo at naglakad papuntang sala. Umupo siya at nagsindi ng yosi.

“Biro lang. Ito naman. Alam naman natin na hindi ako boto kay Marco, diba?”

“Hindi maganda yung biro mo, Pao.” Seryosong sabi ni Geoff.

“Sorry na.” Tinabihan niya sa sofa si Geoff. “Panaginip lang yun. Baka naman namimiss mo lang siya ng sobra.”

Napaisip si Geoff. Marahil tama si Paolo. Sobrang miss na niya si Marco. Matagal na silang hindi nagkikita. Ilang araw na siyang nangungulila sa akap at halik nito.

“Oh, natulala ka naman diyan.”

“Sobrang miss ko na siya, Pao pero wala akong magawa. Gustuhin ko man, wala akong karapatang magdemand. Magtext man ako para magkita kami tuwing namimiss ko siya, hindi ganun kadali. Kailangang ako ang maghintay kung kailan siya magtitext.” Bakas na bakas sa boses ni Marco ang kalungkutan.

“Hindi kita kukunsintihin dyan, friend. Ginusto mo yan, eh. Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan natin ‘to.”

“Mahal ko si Marco. At mahal niya ako.” Mariing sabi ni Geoff. Hinithit niya ang yosi at saka ibinuga.

“Pero si Kris ang nagmamay-ari sa kanya. Anyway we look at it, Geoff, nakikihati ka lang…”

Katahimikan.

Naalala ni Geoff ang una nilang pagkikita ni Marco nung nakatira pa siya sa Laguna. Si Marco ang wedding coordinator noong ikinasal ang kapatid niya three years ago. Naghahanap ng photographer si Marco para sa “Pre-nup photoshoot” ng kapatid. Inirekomenda si Geoff ng isang kaibigan at doon nagsimula ang lahat.

Nagkadevelopan silang dalawa hanggang naging sila. Umikot ang mundo nila sa isa’t isa. No dull moments. Hanggang sa nagsimulang magtaka ang mga magulang ni Marco kung bakit pa itong pinapakilalang girlfriend sa kanila gayong 27 years old na ito. Doon nagsimulang ipressure si Marco ng kanyang mga magulang.

Nagsimulang mayanig ang almost-perfect relationship nila ni Geoff. Palaging bothered at wala sa sarili si Marco na labis na ipinagtataka ng kanyang nobyo.

Isang araw, kinausap ni Geoff si Marco. Pinagtapat niya dito ang sitwasyon. Sinabi niya na kailangan na nilang putulin ang kanilang relasyon dahil hindi ito tama sa mata ng mga tao.

Kahit masakit para kay Geoff, mas pinili niyang palayain si Marco.

Nagpakalayo si Geoff. Humiwalay siya sa mga magulang at napadpad sa Makati para tuluyang makalimutan ang nobyo.

Nakita niya ang advertisement ni Rob online na naghahanap ito ng housemate. Hindi siya nagdalawang isip na kunin ang isang room.

Doon nagsimula ang friendship ng tatlo.

Wala pang dalawang buwan at muling nagparamdam sa kanya si Marco na noo’y nobya na si Kris. Nag-usap silang dalawa. Nagsumbatan at nagpalitan ng masasakit na salita. Sa huli, ipinaliwanag ni Marco na ginagawa lang niya ito para sa pamilya. Na wala siyang nararamdaman kay Kris at si Geoff talaga ang mahal nito.

Nagmakaawa si Marco na wag siyang iwan ni Geoff. At dahil mahal din niya si Marco, pumayag siya sa ganung set-up: Sa mga mata ng tao, Si Marco ay para kay Kris at kapag wala nang nakamatyag, siya naman ay para kay Geoff.

“Unang naging akin si Marco, Pao. Mas nauna niya akong minahal kaysa kay Kris. Kung tutuusin, si Kris ang nakikihati sa akin.”

“I mean, kuntento ka na ba sa ganyan lang?”

“Mahal ko siya, Pao. Mahal na mahal. Magpapakatanga ako para sa kanya. Alam ko na sa bandang huli, ako pa rin ang pipiliin niya.” Muli niyang hinithit ang yosi at pinatay sa ash tray na nakapatong sa center table.

“Babae si Kris, Geoff. Kahit bali-baligtarin mo man ang mundo, ang lalaki ay para sa babae.”

Katahimikan ulit.

“Ikaw ang bahala, Geoff. Buhay mo naman yan, eh. Kung si Marco ang nagpapaligaya sa’yo ngayon, go lang. Hindi namin yan kayang ibigay sa’yo. Basta sana, marealize mo na you deserve more than that.” Niyakap ni Paolo si Geoff. Mahigpit.

“Salamat, Pao. Maraming salamat.”

“Ayusin mo na nga yang sarili mo. Birthday ko na next week. Ayaw kong makita kang ganyan sa birthday ko.” Bumitiw sila sa pagkaka-akap.

“Promise.” Tugon ni Geoff. Tumayo ito at dumerecho sa kusina para magtimpla ng kape.


Tumunog ang cellphone ni Paolo na nakapatong sa center table. Binasa niya ang text.

“I know you’re still mad at me. Please, tama na. I will see you soon so we can talk properly. I miss you, Habibi. It’s been a while.”

Pinigilan ni Paolo ang sarili. Muntik na niyang maibato ang cellphone sa pader.


 --- MAY KARUGTONG...

Sunday, March 6, 2011

"FLATMATES": Chapter 3: "Wham! BAM! Thank you, sir!"

"FLATMATES"
ni Ralph
Author's note:
Marami pong salamat sa pagsubaybay. Eto na ang Chapter 3. Sana magustuhan niyo.
Baka hindi ko siya agad ma-update. May work na po bukas pero try ko pa din update agad, para sa inyo. :)
Wag mo kayong mahiyang magcomment. Nakakataba po ng puso kapag nababasa ko yung comment niyo. :)
Chapter 3: "Wham! BAM! Thank you, sir!"            

                 Iniluwa ng elevator si Rob. Dumerecho agad sa locker area. Hindi siya nagmamadali ngayong gabing ito. Siniguro niya na hindi siya malilate. Nakita niya ang mga kaibigan sa lobby. Konting kwentuhan muna bago pumasok sa production floor.
                "ROB!" Hindi pwedeng hindi niya makilala ang boses na yun. Nakita niyang papalapit ang supervisor niya.
                "Yes, Sup? I'm not late today!" Defensive na sagot ni Rob.
                "Good. Now, listen. You need to attend the CSAT refresher training today."
                "What?! I don't need that. Why was I not informed that I have training today?"
                "That's why I'm letting you know. 9PM, Conference Room." Iyon lang at bumalik na sa station niya si Sup Ricky. Iniwan ni Rob ang headset sa station bago dumerecho sa pantry dala-dala ang Starbucks mug. Kumuha siya ng kape mula sa vendo at dumerecho sa smoking area, paglabas lang ng isa pang pinto sa loob ng pantry.
                Nakita niya ang isang kateam at nanghingi ng yosi. Marlboro Lights. Sinindihan niya at at ibinuga ang usok habang nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay.
                Mas pipiliin niyang magtake ng calls kesa umattend ng refresher training. Sinulyapan niya ang kanyang relo. Maaga pa.
                 Isa-isa nang nag-aalisan ang mga tao sa smoking area. Patapos na siguro ang break nila. Nagpaalam na din kay Rob ang kateam niya. Pumwesto siya mas malapit sa pinto. Napansin niya na may lalaki sa kabilang dulo. Tinapunan niya ito ng tingin.
                Si Newbie Guy.
                Mga ilang segundo niya itong tinitigan. Alam kaya niyang tinitingnan siya ni Rob? Hindi pa rin inaalis ni Rob ang pagtitig kay Newbie Guy. Nagulat siya nang tumingin ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Bumitiw agad si Rob sa pagkakatitig. Humithit uli ng yosi at humigop ng mainit na kape.
                Nagtataka siya dahil nakatitig pa din sa kanya si Newbie Guy. Hindi ito tumitinag. Sinulyapan niya si Newbie Guy. Mata lang ang gumalaw. Napangiti si Rob. Tiningnan ulit si Newbie guy.
                "Ang sama mong makatitig, ah!" Pabirong sabi ni Rob.
                "Ikaw itong unang tumitig sakin, eh!"
                "Ay, ako ba?" lumapit si Rob kay Newbie Guy. "Rob nga pala." inilahad ni Rob ang kanang kamay.
                "Kiko." Nagkamay silang dalawa.
                "Anong oras ba shift mo?" tanong ni Rob
                "Magkocalls na ako maya-maya. Hinihintay lang kitang pansinin ako."
                Isang malutong na tawa ang sinagot ni Rob.
                "Biro lang. Feeling naman 'to!"
                Hinithit uli ni Rob ang yosi tsaka pinatay.
                "Nice meeting you Kiko, una na ako sayo. May training pa ako, eh."
                "Sure. Nice meeting you too, Rob."
                Tinitigan ni Rob si Kiko. Gumanti ng titig ang huli. Unti-unting naglapit ang mukha ng dalawa. Mabagal. Alam ni Rob ang kanyang destinasyon. Palapit ng palapit.
                "Blag!" Bumukas ang pinto ng smoking area. Pumasok ang dalawang matabang babae na nagchichikahan.
                 Otomatikong naglayo ang dalawa.
                 "Una na ako." Sabi ni Rob, sabay alis. Naiwan si Kiko at ang dalawang babae sa smoking area.
           
                Humihikab-hikab pa rin si Rob nang matapos ang CSAT refresher training. Isa-isa nang lumalabas ang mga tao mula sa training room. Dumerecho siya sa locker room para kunin ang kanyang gamit. Pagbukas niya ng locker, sakto namang dumating si Kiko.
                “Ei Kiko, any plans?”
                “Yeah. Inuman with my team mates. Off ko naman today, eh.” Kinuha ni Kiko ang mga gamit sa loob ng locker niya.
                Lumapit si Rob kay Kiko.
                “Ganun ba? How about you and I go to my place. Chill out and talk over bottles of beer?” pabulong na sabi ni Rob.
                Isinara ni Kiko ang locker. Saglit siyang natahimik.
                “Hmmm... Interesting offer. But maybe next time, Rob. Naka-OO na kasi ako sa team, eh.” Nginitian siya ni Kiko.
                “No prob, sir!
                “Sige, una na ako.” Paalam ni Kiko.
                Hinawakan ni Rob si Kiko sa balikat nang akma na itong aalis.
                “In case you wanna keep in touch.” Isinuksok ni Rob sa bulsa ng polo ni Kiko ang  maliit na piraso ng papel. “Text mo na lang ako.”
                “Sure.”
               
                Galit na galit ang haring-araw nang lumabas si Rob ng building. Tumatagaktak ang pawis sa magkabila niyang pisngi. Gayunman, pinili pa rin niyang maglakad pauwi gaya ng nakasanayan. Ilang sandali pa, nakarating na siya sa condo.
                Mag-isang naghihintay ng elevator si Rob nang dumating ang isang lalaki. Halos magkasing tangkad sila. Naka white shirt lang ito, naka shorts at naka-slippers. Napatingin si Rob sa lalaki. Maganda ang pangangatawan nito at medyo balbon.
                Katahimikan.
                Muling tiningnan ni Rob ang lalaki. Sakto namang tumingin din ito sa kanya. Hindi inalis ni Rob ang pagkakatitig sa huli. Pinapungay niya ang kanyang mga mata saka binasa ng dila ang mga labi. Ngumiti ang lalaki. Inayos ang kanyang buhok. Bumukas ang elevator. Magkasabay na pumasok ang dalawa. Amoy na amoy ni Rob ang pabango ng lalaki. Sumara ang elevator. Pinindot ni Rob ang “17”. Pinindot naman ng lalaki ang “20”.
                Nagsimulang umakyat ang elevator. Silang dalawa lang ang tao sa loob. Masakit sa tenga ang katahimikan. Walang gustong magsalita. Bumukas ang elevator. 17th floor na. Sinulyapan ni Rob ang lalaki. Nginitian siya nito. Imbes na lumabas, isinara niya ang elevator.
                Muling bumukas ang elevator sa 20th floor. Lumabas ang lalaki. Sinundan niya ito. Wala pa ring gustong magsalita. Tinungo nila ang unit ng lalaki. Inilabas nito mula sa bulsa ang isang bungkos ng susi. Binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok. Sumunod naman si Rob. Isinara ng lalaki ang pinto. Ni-lock.
                Naging mabilis ang mga pangyayari.
                Gumapang ang mga kamay ng lalaki. Nagalit ang alaga ni Rob. Isa-isang natanggal ang kanilang mga damit. Naglapat ang kanilang katawan. Nabasa ng laway ang iba’t ibang bahagi ng katawan ni Rob. Sinuklian naman ito ng huli. Inihiga siya ng lalaki sa kama. Nagsimula itong magtrabaho. Walang magawa si Rob kundi i-enjoy ang serbisyong tinatanggap. Tinanggal ng lalaki ang huling saplot sa katawan ni Rob. Nagpatuloy siya sa pagtrabaho. Nagpupuyos na sa galit ang armas  ni Rob. Ayaw pa rin itong tantanan ng lalaki. Napahawak si Rob sa ulo ng lalaki. Napapikit. 
                 Nagsimulang umakyat ang mga halik ng lalaki patungo sa dibdib ni Rob. Tumambay ito doon sandali. Muli itong umakyat sa leeg patungo sa mga  labi ni Rob. Pinigilan ni Rob ang lalaki sa kanyang binabalak.
                “Sorry, I don’t kiss.” Ito ang mga unang kataga matapos ang halos sampung minutong katahimikan.
                Bumalikwas si Rob. Pinaibabawan niya ang lalaki. Siya naman ang nagtrabaho. Hindi mapakali ang lalaki. Pakaliwa’t pakanan ang pagpaling ng kanyang ulo. Patuloy sa pagbaba ang mga labi ni Rob. Hanggang sa marating ang kanyang destinasyon. Sinimulan niya itong trabahuhin. Patuloy sa pag-ungol ang lalaki. Nagsimula na ring magtrabaho ang mga daliri ni Rob.
                Naging mas mabilis ang mga pangyayari.
                Saglit na huminto si Rob. Kinuha ang condom sa wallet. Binuksan niya iyon at isinuot sa galit na galit niyang armas.
                Hindi pumalag ang lalaki nang tutukan siya ni Rob. Unti-unti niyang tinanggap ang huli.
                Nahirapang pasukin ni Rob ang teritoryo ng lalaki. Pero nagtagumpay pa rin siya. Unti-unting nasira ang depensa ng lalaki.
Nagkaroon ng giyera sa loob. Matagal. Maingay. Masakit. Na nagtapos sa walang habas na pagpapaputok ni Rob. Na ginantihan naman ng lalaki. Pero siya mismo ang tinamaan ng sarili niyang bala.  Suko na ang kampo ng lalaki. Tagumpay si Rob.
Dahan-dahang umatras ang pwersa ni Rob. Pawisan sa giyera.
Nagbihis siya ng damit. Gayon din ang lalaki.
“I have to go.” Iyong lang ang nasabi ni Rob. Tinungo niya ang pinto. Muli niyang sinulyapan ang lalaki. “Thanks."
Nilisan niya ang unit.
Habang naghihintay ng elevator pababa, napaisip siya.
“Ano nga bang pangalan nung lalaking yun?!”
Hindi niya alam ang sagot. Hindi naman kasi niya tinanong.

 --- MAY KARUGTONG...

Saturday, March 5, 2011

"FLATMATES": Chapter 2: "Miss India"

   "FLATMATES"
ni Ralph

Author's Note: 
Maraming Maraming salamat po sa mga bumasa at naka-appreciate ng Chapter 1. Ito na po ang Chapter 2. Sana magustuhan niyo. :)
Hindi ko pa natatapos isulat ang "Flatmates" so baka hindi ganun kabilis magpost ng update. But don't worry, I'll make it a point na kaabang-abang ang mga susunod na kabanata.
Huwag mahihiyang mag-iwan ng komento o suggestion. :)
Muli, Maraming-maraming salamat!
Chapter 2: "Miss India"

Bumukas ang pinto. Pumasok si Paolo. Hulas na hulas. Pabalagbag niyang nilagay ang itim na backpack sa sofa kung saan naka upo si Geoff. Nakapatong sa mga binti ang laptop. Nag-eedit ng pictures.
                Umupo sa sofa si Paolo. Bumuntong-hininga.
                “Ano na namang problema mo?” tanong ni Geoff. Nakatuon pa din ang atensyon sa ine-edit na mga pictures.
                Hindi sumagot si Paolo. Sinulyapan siya ni Geoff. Naghihintay ng kasagutan ang mukha nito.
                “Yung taong kinasusuklaman ko at hindi ko pinangarap pang makita, nagparamdam na naman sakin.”
                Bakas sa mukha ni Geoff na mas lalo siyang naguluhan.
                “There was this guy named Jake. We used to date for a couple of months. Alam mo yung parang kayo, kaya lang walang confirmation." tumango si Geoff. "Kaya lang, biglang nag-disappear si puta. As in missing in action. Hindi ko na ma-contact. Hindi na gumagana yung number niya. Lahat ng online accounts niya binura.  Tinanong ko yung common friends namin, wala din silang balita. Akala ko nga nakidnap ang walanghiya!
                “Ilang months akong wala sa sarili. Depress-depressan ang drama ng lola mo. Muntik na akong hindi maka-graduate sa ka-aningan ko. Nung medyo nakaget-over na ako, kinalimutan ko na din siya. May isang friend ang nakapagsabi sakin na nasa Chicago na daw si puta. Kasama yung kapatid niya. Gusto ko sanang magalit pa lalo sa kanya kaya lang pagod na ako. Wala ng kwenta. Hiniling ko na lang na sana mapasama siya sa libo-libong mga taong nagsu-suicide sa Chicago!” “
                “Bakti ka naman kasi umasa agad?” patuloy pa din sa pag-edit ng picture si Geoff.
                "I can't help it. Mahal ko yung tao. I thought the feeling was mutual." depensa ni Paolo.
                "So after niyang mawala, Ampalaya Omelette na ang kinain mo araw-araw?" pabirong sabi ni Geoff
                “Puki mo! Masyado akong maganda para magbitter-bitteran sa kanya, no!”
                “Tigas ng mukha mo!”
               "CHEEE!!!" Tumayo su Paolo at dumerecho sa kwarto.
                “Pao, samahan mo ako mamaya.” Pasigaw na sabi Geoff.
                “At saan naman?” mataray pa din ang boses ni Paolo.
                “Waltermart. Grocery tayo.”
                “Matapos mong yurak-yurakan ang pagkatao ko, magpapasama ka sakin?”
                “Sige na, arte mo naman, eh.”
                “Ayoko!”
                “Libre kita ng siomai” suhol ni Geoff.
                “A-yo-ko!”
                “Siomai tsaka drinks?”
                “More!”
                Si Geoff naman ang napabuntong-hininga.
                “Sige na, kahit anong gusto mo!” napipilitang sabi ni Geoff.
                “DEAL!”
                “Basta hanggang 100 pesos lang, ha!”
                “Kunat mo!”
                “Magbihis ka na, maliligo lang ako saglit. Sobrang init.”
Ilang oras matapos mag grocery, umuwi ang dalawa bitbit ang mga pinamili. Nadatnan nila si Rob na nagpa-plantsa ng damit habang nagsa-soundtrip. Dinig na dinig sa apat na sulok ng unit ang kanta ni Britney na “Hold it Against Me”. May mga pagkakataong napapa-indak si Rob sa tugtog.
“Namputsa, Roberto, ano na namang kabaklaan yang pinaggagagawa mo, oh!” Bungad ni Geoff pagpasok ng pinto.
“Oi, yung ice cream ko?” deama si Rob sa komento ni Geoff.
“Nandito. Tulungan mo nga muna kami mag-ayos.”
Iniwan ni Rob ang pinaplantsa at tinulungan ang dalawa. Patuloy pa rin sa pagkanta si Britney.
Pumasok sa kwarto si Geoff matapos maiayos ang mga pinamili. Ilang saglit pa, lumabas siya ng kwarto habang nakasabit sa balikat ang towel. Naka-suot lang siya ng boxer shorts. Dumerecho siya sa CR at naligo.
Nag shave. Nag deodorant.  Nag toothbrush. Nag mouthwash. Nag toothbrush ulit. Nag-ayos ng buhok. Nagbihis. Nag pabango. Tingin sa salamin. Ayos ulit ng buhok.
Lumabas siya ng kwarto, posturang-postura, habang ang dalawa ay busy sa panonood ng DVD. Si Paolo ang unang naka pansin sa kanya.
“At saan ang lakad ng baklang hitad?!” maasim na tanong ni Paolo.
“Makikipag-sex!” pabirong sagot ni Geoff. Nagpaalam siya sa dalawa at lumabas ng pinto.
               
Maaga siyang dumating sa Greenbelt. Tinext niya kaagad si Marco.
                “Sweetie, I’m here na sa Greenbelt. See yah!”
                 Ilang linggo na ang nakararaan ng huli silang magkita ni Marco. Miss na miss na niya ang lalaki. Gusto niyang maging espesyal ang muli nilang pagkikita kaya naisipan niyang bigyan ito ng regalo. Oo nga pala, birthday ni Marco nung isang linggo. Hindi sila nakapagcelebrate dahil may photoshoot siya sa Batangas.
                Pumunta siya sa pinakamalapit na red ribbon. Bumili ng cake. Black Forest. Sinulyapan niya ang kanyang relos. Limang minuto bago mag alas-syete. Muli siyang naglakad patungong greenbelt.
                7:00pm. Wala pa rin si Marco.
                7:05pm. Nakatayo siya sa harap ng Powerbooks.
                7:10pm. Nagsisimula nang mag-init ang ulo ni Geoff.
                7:12pm. Pina-ring niya ang phone ni Marco. Walang sumasagot.
                7:15pm. Pumasok siya sa loob ng Powerbooks.  Nag ikot-ikot.
                7:30pm. Wala pa ring Marco.
                7:35pm. Nagsisimula nang mamuti ang mata ni Geoff.
                7:39pm. Tumunog ang cellphone ni Geoff. May nagtext.
                                “I know you’re gonna kill me for this. Something came up. Kailangan kong sunduin si Kris sa office. I can’t make it tonight. I’m so sorry. Babawi ako, Sweetie... Promise”
                7:40pm. Tinawagan niya si Marco. Unattended ang phone.
                7:43pm. Sumabog si Geoff. Wasak!
                Magkahalong sakit ng ulo at gutom ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Kaagad niyang nilisan ang Greenbelt. Pinara ang parating na taxi at bumalik sa condo.

“BLAG!”
Iniluwa ng pinto si Geoff. Halos tumagaktak ang pawis nito sa mukha. Humahangos itong pumasok sa unit. Tangan-tangan ang isang box ng cake sa kanang kamay. Nadatnan niya sina Paolo at Rob na kumakain ng hapunan. Napahinto ang dalawa sa pagkain. Napako ang tingin kay Geoff.
                Saglit na katahimikan. Mabilis pa din ang paghinga ni Geoff.
                “Anong nangyari?!” bulalas ni Paolo.
                Tuloy-tuloy sa kwarto si Geoff. Hindi pinansin ang dalawa. Buong lakas nitong isinara ang pinto. Nagkatinginan sina Paolo at Rob. Walang kaalam-alam sa mga nangyari.

--- MAY KARUGTONG...